Print

IDF 1IDF 6IDF 5IDF 3

MANLELUAG, Pangasinan- Sa tuwing ika-21 ng Marso ng bawat taon ay ipinagdiriwang ang International Day of the Forests o ang Pandaigdigang Araw ng mga Kagubatan na unang idineklara noong taong 2012. Ngayong taon, iba’t ibang aktibidad ang isinagawa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman- Rehiyon Uno. Ang mga opisina nito ay nagkaroon ng pagtatanim ng mga puno, pagtatag ng mini forests sa napiling munisipalidad, potting, at Information, Education, and Communication Campaign. Bukod pa sa mga nabanggit ay isinagawa sa pangalawang pagkakataon, ang International Day of the Forest Quiz Bee noong ika-21 ng Marso 2022 na may temang: Forest and Sustainable Consumption and Production na layong hikayatin ang mga tao na pangalagaan ang mga kagubatan at mapalaganap ang kahalagahan nito sa tao at sa mundo.

Ang patimpalak, na dating ginanap online at pinasimulan ng Regional Strategic Communication and Initiatives Group (RSCIG), ay idinaos nang harapang pagtitipon dahil sa pagluwag ng mga kautusan patungkol sa Pampublikong Pangkalusugan sa Rehiyon na nilahokan ng mga foresters o manggugubat mula sa DENR Pangasinan Field Offices.

 Ang naturang tagisan ng talino ay nahati sa dalawang kategorya, ang elimination at final rounds kung saan naipamalas at nasubok ang kaalaman at kagalingan ng mga manggugubat lalung-lalo na sa identipikasyon, batas, pamamahala, at pangangalaga sa kagubatan. Ang sinumang makuha ng nakamataas na puntos ay ang siyang mananalo.

Sa dalawampung nakilahok sa tagisan, hinirang na kampiyon sina For. Merygene Cupo ng CENRO Western Pangasinan at For. Gerry Matingin ng CENRO Eastern Pangasinan na tumanggap ng kumpletong collaterals ng DENR I, cellular phone load, at sertipiko bilang premyo. (DML-RSCIG)