Print

Batang Juana

Batang Juana 1Batang Juana 2Sa pakikiisa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas Yaman Rehiyon Uno na pinapangunahan ng Regional Executive Director Atty. Crizaldy M. Barcelo, CESO III sa taunang selebrasyon ng“National Women’s Month”, maraming aktibidad ang nakalinya bilang pagpupugay sa mga kababaihan sa kanilang mahalagang papel bilang ilaw ng tahanan at sa pagpapaunlad ng ating lipunan. Isa dito ang Give a Gift Program ng opisina na isinagawa noong ika-24 ng Marso sa DSWD Home for Girls, San Nicolas, Agoo, La Union kung saan nagbigay ng mga hygiene kits, damit, gamit sa pag-aaral, at iba pa sa mga batang Juana sa naturang pasilidad.

Ang Home for Girls ay isang pansamantalang tirahan na nagbibigay ng proteksyon, pagkalinga, edukasyon at rehabilitasyon sa mga inabusong mga batang babae. Upang pansamantalang makalimot ang mga bata sa kanilang mga pinagdadaanan, ang kagawaran ay nagbigay saya sa pamamagitan ng maikling programa. Bukod sa sayawan, kantahan, laro, at tawanan, napuno ang araw ng aral tungkol sa karapatang pambata at pangangalaga sa kapaligiran.

Bago matapos ang programa, ay siya namang pamamahagi ng mga regalo sa mga batang Juana. Kasama sa aktibidad ay ang Samahan ng mga Manggagawa para sa Kalikasan (SAMAKA), Environmental Management Bureau (EMB), at Mines and Geosciences Bureau (MGB) na kasama din ang mga opisyal ng kani-kanilang Union.